Ang Bagyo
At nang araw nga na iyon ay umihip ang hangin na mas malakas pa sa pinakamalakas. Kay dilim ng paligid at sa bawat durungawan ay may nagbabadyang malakas na anggi, may nagbabadayang isang bagyo na kahit kailan ay hindi pa dumating at naranasan.
Naramdaman ko ang lamig. Binalot ako ng di maipaliwanag na kilabot sa bawat hampas ng malamig na hangin sa aking mga binti at braso. Batid ng lahat ang intensidad ng kalamidad na ngayon ay dumuong sa aming kandungan. Kay daming matatandang puno ang nabuwal. Hindi ako makapaniwala na mabubunot ang mga punong inakala kong simbolo na ng walang hanggang katatagan. At ang bakuran nga namin ay nagmistulang isang makalat na lansangan -- kay dami ng naguguluhan, nagtatanong, balisa, natatakot.
Nagkaroon ng pakakahati-hati. Ang ilan ay mas ninais na manataili sa nakagisnang bakuran habang pinupulot at muling binubuo ang bawat piraso ng tila ba isang nagkalasog-lasog na pundasyon. Paano ka mamumuhay sa ibang bakuran kung sa bakuran na ito ka na nagkaisip at lumaki. Ang bakurang ito ang humulma sa kung ano ang marami sa amin. Sa bakurang din ito kami nagkubli at at nagtago nuong mga panahon na tinamaan din kami ng malalakas na bagyo. Dangan nga lamang at ang bagyong ito ay malakas pa sa pinakamalakas, at nagawa nitong mabuwagin ang matitibay na bakod na syang nagbubuklod sa amin. At mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang aking mga kasama na nakalabas ng bakuran. Tumakas ba sila? Pinalayas ba sila? Babalik kaya silang muli?
At sila ay lumingon at sa amin at iwinagayway ang kanang kamay ng maka-ilang ulit, nag-iimbita, nghihirati, nangungumbinsi. At ang amin ngang bakuran ay nabalot ng kalamigan na mas malamig pa sa pinaka malamig.
Lumingon ako at pinagmasdan ko ang aking mga kasama. Malinaw na nababakas sa kanilang mga mukha ang pagkabalisa, ang mga tanong, at ang kasagutan na inihayag sa amin ng bagyo. Ngunit tapos na nga kaya ang pagngangalit ng bagyo? O simula pa lamang ang lahat? Ilang kasama pa ba namin ang pipiliing lumabas ng bakuran at maglagalag sa labas? Kay lakas talaga ng bagyong ito, malakas pa sa pinaka malakas.
Dalagin ko ang muling pagsikat ng araw sa silangan at ang pagsibol ng mga bagong binhi sa kaparangan. Dalangin ko ang muling pagpapatibay ng bakod sa aming bakuran upang wala ng mga kasama pa namin ang mahirati na lumabas. Dalangin ko na maging buo uli kami at matatag at magkakasama namim uli na haharapin ang lahat ng bagyo na maari pang dumatal sa aming bakuran -- gaano man ito kalakas, gaano man ito makapaminsala, kahit mas malakas pa ito sa pinaka malakas...
-TUPS

Comments
Post a Comment