Ang Paglimot


Huminga ka ng malalim
Kasabay ng pagpikit na sa wakas ay nagwakas
Na sa wakas ay magsisimula ang pagtatapos
Pagtatapos ng isang minsa'y masayang kwento
Ng alala ng makukulay na tagpo
Ng puno ng mahikang sulyap at ngiti
Ng humahalakhak na katahimikan
Ng nagsusumigaw na ugong ng isang sumpaan
Isang balik tanaw na lamang.
Di mo man inaasahan ngunit nakatakdang pagdaanan
Di mo man pinangarap ngunit nakatadhanang ito'y iyong malasap
Mapait, masakit, masikip sa dibdib
Dahil bihira ang kwento ng paghihiwalay na masaya
Hindi ka naiiba sa kanila
Hind lang ikaw ang nasasaktan
Hindi lang ikaw ang nasaktan
At huwag mong solohin ang pait
Huwag mong kimkimin ang galit
Huminga ka ng malalim
Dahil maaring ito ang iyong ngayon
Handusay ka't di alam kung saan paroroon
 Ngunit bumangon ka at tanawin mo ang bukas
Lumakad kang muli ng may paghilom
E ano kung ito nga ang iyong ngayon?
Isa kang mandirigma ngayon
Isang matapang na laban ang iyong sinuong
At may bukas pa na naghihintay sayo
Buoin mong muli ang iyong baluti
Dahil ang buhay ay mapuputuloy
Hindi ka maiiwan sa ngayon habang hinaharap ng iba ang bukas
Gawin mong gamot ang paglimot
Paglimot na may pagakututo
Paglimot na may pagtatanda
Paglimot na may paglaya.

-tups

Comments

Popular Posts