Hindi

Hindi ang bukas na di sigurado
O ang kahapon na di totoo
Bakit iiwas kung tunay na gusto?
Bakit di angkinin kung talagang sayo?

Hindi ang iyong malamig na titig
Ni ang sumpang habi ng 'yong bibig
Pano ba paniwalaan ang isang panaginip?
Pano panghawakan ang pangako mong langit?

Hindi ang iyong haplos na malamyos
Lalong hindi ang himig mong paos
Kailan ba hihinto itong pagtakbo
Gayong di kita matanaw sa likod ko.

Ang walang ubos na ngayon
Di gumagalaw na panahon
Yakap na maligamgam
Pawiin ang agam-agam.

-tups

Comments

Popular Posts