Tula at Tala

Pakiramdam na may himig
May daloy, may tinig
Mahinahon ngunit masigasig
Panatag at di maligalig.

Tila isang tula
May lamyos sa dila
Matang nagtutugma
Pusong hinuhulma.

Tila isang tala
May ningning na dala
Daan na walang dilim
May silungan kung kulimlim.

Tila isang tula
Nasa isang kupas na pahina
Tila isang tala
Naglalaho pagsapit ng umaga.

-tups

Comments

Popular Posts